Sunday, March 29, 2009

Earth Hour

Isang pandaigdigan kaganapan na dinaluhan ng libu libong tao sa buong mundo. Pagpatay ng ilaw ang isa sa pangunahing aktibidades na ang layunin ay makabawas at makapagreserba ng pagamit ng enerhiya na siyang nagpapainit ng mundo. Ngunit ang tanong, ang pagpatay nga lamang ba ng ilaw ang pwede gawin? Ito ba ay sa isang taon lamang gagawin at sino ang mga dapat manguna tungkol adbokasyang ito?

Ang pagpatay ng ilaw ay makakatulong sa pagbawas ng paggamit ng enerhiya at init sa mundo. Ngunit ang mas maganda ay kung sa oras ding iyon ay hindi tayo gagamit ng kuryente. Dahil sa pamamagitan noon ay, tuluyan at lubusan tayo makakatulong sa inang kalikasan. Walang kwenta ang pagpatay ng ilaw kung gagamit din tayo ng kuryente. Ang paggamit ng electric fan, radyo at pagchacharge ng cellphone habang inaantay ang pagtatapos ng Earth Hour ay pawang walang katuturan. Pag pagpatay ng sinage ng mga establisyemento ay pawang mga kalokohan, pagkat hindi nila kaya isakripisyo ang kanilang kikitain sa loob ng isang oras, tulad na lamang ng 7-11, yellow cab at iba. Sana ay di nalamang kayo nagparticipate kung yun lang din naman ang inyong gagawin.

Ang Earth Hour ay isang magandang adbokasya, pero dapat ay hindi lamang isang beses sa isang taon. Hindi ba't mas maganda kung it ay ating gagawin at isasabuhay sa pag araw araw nating pamumuhay kung nais din man nating makatulong sa kalikasan. Ang isang beses sa isang taon ay kakaunti lamang ang maitutulong. Ngunit kung ito ay ating gagawin araw araw, mas maganda, mas may malaking maitutulong para maisalba natin ang umiinit ng mundo. Pero bakit hindi ito magawa, natatakot ba sila o may kinatatakutan. Sino ba ang nagsagawa Earth Hour na ito? Minsan naiisip ko, hindi kaya ng mga malalaking kumpanya ang nagsagawa nito, upang masabi lamang na may naitutulong sila sa kalikasan. Kung tama ang kutob ko, bakit hindi nila gawin ito araw araw? Bakit, takot ba sila na mawalan ng kikitain? Para sa akin, ang dahilan kung bakit ayaw ito gawin sa pang araw araw na pamumuhay, ay dahil sa ayaw nila mawalan ng kita, lalo na ang naglalakihang kumpanya.

Ang Earth hour ay isang malakihang gawain sa buong mundo, at ito ay nararapat na pangunahan ng mga kilala at pinuno ng ating bayan. Pero ang tanong, ito ba ay kanilang ginawa o hindi? Nung oras na isinagawa ng Earth Hour, napag isipan ko magmasid masid sa paligid kung ito ay ginawa ng mga kababayan ko. Salamat naman at may nagsagawa, pero, laking gulat ko, ng ako ay mapadaan sa bahay ng aming mayora at bahay ng mga namumuno sa aming bayan, hindi sila nagpatay ng ilaw, bagkus buhay na buhay ang ilaw ng kanilang tahanan. Hindi ba nila alam na sa oras na iyon ay Earth Hour. Ano ang dahilan, natatakot ba sila magpatay ng ilaw dahil sa kanilang kaligtasan? Bakit sila natatakot, may kaaway ba sila o may tinarantado sa bayan? Alam ko mahalaga ang kanilang buhay, pero sana naman ay nakiisa sila sa pandaigdigang gawaing ito. Sa dami ng mga alipores na nakakalat sa kanilang bahay, takot pa ba sila. Eh yung mas nakakataas kaya, nagpatay ba ng ilaw? Yan ang napakalaking tanong?

No comments:

Post a Comment