Sa panahong ito, marami ang nag aantay ng araw ng kanilang pagatatapos. Lalo na ang mga mag aaral sa kolehiyo. Para sa kanila, ito na kasi ang huling yugto ng kanilang pag aaral. Tapos na ang kanilang buhay eskwelahan. Panahon na upang makamtan ang kanilang pinaghirapan, na kung tutuusin ay pinaghirapan ng kanilang mga magulang. Pero, sino nga ba ang dapat matuwa, sila ba na nagtapos na ng pag aaral o ang magulang na nagkandarapa at nagkandahirap upang mapag tapos lamang ang kanilang anak?
Pero, para sa akin, ang mga dapat magpunyagi o magdiwang ay yung mga tao na nagsipagtapos na di kinailangan ang tulong ng kanilang mga magulang. Hindi sa mataas ang kanilang mga ere, pero sila ang mga mag aaral na ayaw pahirapan ang kanilang magulang sa dahilan siguro sa kakapusan ng pinansyal na pantustos o hindi kayang pag aaralin ang kanilang mga anak.
Sila ang mga mag aaral na kinakailangang magtrabaho muna sa umaga, hapon o gabi bago pumasok sa paaralan. Ika nga eh, "working student".
Sila ang mga mag aaral na halos walang tulog, matulog man ay idlip lamang. Pagkat ang bawat oras na mayroon sila, inilalaan na lamang nila iyon sa pag aaral sa kanilang asignatura at leksyon sa paaralan.
Isang kaibigan ko ang gumagawa ng ganung bagay?
Siya ay gumisgising ng ala singko ng umaga upang mag trabaho sa kantina mula ala sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. At pagkatapos noon, siya ay papasok ng sa eskwela ng ala una hanggang ala singko ng hapon at balik sa kantina upang magtrabaho hanggang alas nuwebe ng gabi. Mula alas nuwebe hanngang alas dose, inilalaan niya ang kanyang oras sa pag aaral ng kanyang leksyon sa eskwelahan.
Iyan ang kanyang palagian oras sa pang araw araw na pamumuhay. Nakakatuwang gawain upang makatapos lamang ng kanyang pag aaral. Sino pa kaya ang tulad niyang ganun ang ginagawa para lamang makapagtapos ng pag aaral.
Maari marami ang ganun ang ginagawa, kaya hanga ako sa kanila. Saludo ang dalawang kamay ko sa mga tulad nila. Sila ang nararapat na ipagmalaking mag aaral ng ating bayan.
Ngunit, may malaki pa ring tanong. Sa kanila bang pagtatapos, may trabaho bang nag aantay para sa kanila? May maganda bang bukas para sa kanila? Sa panahon ng pandaigdigan krisis, may maganda bang bukas ang sa kanila ay haharap upang maisagawa nila ang kanilang pinaghirapan. Para sa akin, sila ang nararapat bigyan pasin, unahin at hasain sa propesyong kanilang pinili.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment